Monday , December 23 2024

Ambulansiya ginamit sa pagtutulak ng shabu (Sa Norzagaray, Bulacan)

NASAKOTE ang isang hinihinalang tulak ng ilegal na droga at kanyang kasabwat sa isinagawang anti-drug operation ng pulisya sa Brgy. Pulong Sampalok, Doña Remedios Trinidad (DRT), Bulacan, kamakalawa.

Ayon kay S/Inspector Roldan Manulit, hepe ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ng DRT police, kinilala ang isang suspek sa alyas na Ron, habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng kanyang kasabwat.

Sa ulat ng pulisya, dakong 9:00 pm kamakalawa nang madakip ang mga suspek habang sakay ng ambulansiya ng Brgy. Minuyan, Norzagaray, Bulacan.

Napag-alaman, nakatakdang mag-deliver ng shabu ang mga suspek sa kanilang kostumer sa Brgy. Pulong Sampaloc nang madakip ng mga awtoridad.

Nakompiska sa mga suspek ang apat sachet ng shabu, at P1,000 buy-bust money.

Kinompiska ng DRT police ang ambulansiya ng Brgy. Minuyan upang gamitin bilang ebidensiya sa pagsasampa ng kaso laban sa mga suspek.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *