Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sylvia Sanchez, sinabayan ni Elma Muros sa pagtakbo

HINDI nakikitaang humihingal si Sylvia Sanchez noong patakbo nilang inakyat ni Elma Muros ang hagdanan sa Ultra Oval noong isang araw.

Base sa video post ni Ibyang, patakbo nilang inakyat ni Elma ang hagdanan, “It is my pleasure running with you, Miss Elma Muros. Sana makuha ko kahit kalahati ng katawan at muscles mo. Hahaha hindi masamang mangarap.

“It’s Monday! Positive outlook in our lifestyle. Good vibes great company. Professional workout with our Olympian partner Ms, Elma Muros #mygreatestloves #motherandsonworkout #friendsworkout #professionalworkout #balikalindog #healthylife #tiisganda myeverything mylife #family #happiness #blessed #grateful #treasures #priceless #beautederm #beautèdermambassadress #beautèdermphilippines #thankuLORD.”

Tinanong namin ang aktres kung hindi siya nahirapan dahil base sa video ay hindi naman siya hiningal.

“Hingal sa umpisa, ngayon nakakapag-adjust na pero hingal pa rin ng kaunti,” sagot sa amin.

Bagamat malaki na ang nabawas sa timbang ni Ibyang ay hindi niya alam kung ilan dahil, “hindi ako nagtitimbang.”

PAGHAHANDA
SA INDIE FILM AT IBA
PANG PROJECT

Inalam namin sa aktres kung bakit kailangan niyang maging fit at magbawas ng timbang, paghahanda ba ito sa indie film na gagawin niya sa Cinema One Originals na sisimulan ngayong Hulyo?

“Sa lahat na para ‘pag may next project ibang Sylvia Sanchez ang makita nila,” sagot sa amin.

Sa tanong namin kung anong next teleserye na gagawin ng aktres pagkatapos ng The Greatest Love, “sabi nila (management), mayroon, eh, wala pa namang binanggit kung ano, on the works pa. Naghihintay lang ako ng sasabihin nila.”

Pero ang sigurado ay sa parehong produksiyon ng TGL siya gagawa ng serye, kay Ms. Ginny M. Ocampo unit.

IBYANG MARAMING
FANS SA TFC

Sa totoo lang, ang daming TFC subscriber ang nagtatanong sa amin kung anong next drama series ni Ibyang at kung kailan naman siya magkakaroon ng show sa San Francisco, San Diego, at Los Angeles katulad ng ibang serye na iniimbita roon ng TFC.

Nakikita lang kasi ang TGL star kapag namamasyal o nagbabakasyon.

Binanggit namin ito kay Ibyang, “hindi naman nila ako iniimbita roon.”

O, hayan sa TFC, try n’yo rin isama si Nanay Gloria sa mga show ninyo dahil marami rin siyang fans doon ‘no. May Sylvianians Global na nga.

FACT SHEET Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …