Saturday , November 16 2024

‘Magnanakaw’ at landgrabber pinalagan ng Kadamay

PINALAGAN ng grupong Kadamay ang bansag na sila ay mga magnanakaw at landgrabber.

Ayon sa mga miyembro ng Kadamay, narinig nila ang pasaring na ito mula sa ilang residente sa pabahay sa Pandi Heights sa Pandi, Bulacan, nang magtungo ang mga mambabatas roon kamakalawa.

Anila, nilait sila ng mga residente nang mabatid na kasapi sila ng Kadamay.

Giit ng grupo, tanging pabahay lamang ang matagal na nilang hiling at marami na silang pinagdaanang hirap bago makuha ang bahay na kanilang hiling.

Bago anila sila nakarating sa Pandi, ilang oras silang lumakad mula sa Litex road patungong tanggapan ng National Housing Authority sa Quezon City.

Anila, matagal na silang hindi pinapansin ng gobyerno sa kanilang mga problema kaya’t nagpasya silang pasukin ang mga nakatiwangwang na pabahay ng pamahalaan.

Nagtungo sa Pandi Heights ang mga miyembro ng Committee on Urban Planning, Housing and Resettlement ng Senado at Kongreso, upang inspeksyonin ang mga pabahay na inokupa ng mga miyembro ng Ka-damay.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *