MULA sa pagiging Number 1 Konsehala ni Jaja Castaneda sa Mariveles, Bataan, balak din nitong pasukin ang Showbiz at mapasama sa isang musical play.
Nagmula sa politics ang pamilya ni konsehala Jaja, dahil ang kanyang very supportive mom na si Tita Jocelyn “Jo” Castaneda ay tatlong beses ding nanungkulan bilang konsehala ng nasabing lugar. Maging ang mga kamag-anak nila’y puro politiko.
Bukod nga sa pagiging politician, naengganyo itong umarte lalo nang makapag-workshop sa Star Magic. Pero bago pasukin ang showbiz ay mas inuna muna ng konsehala ang makapagtapos ng pag-aaral kasunod ang pagpasok sa politika.
Pero ngayong graduate na siya ay mas may oras na para tuparin ang pangarap na mag-artista at maging theater actress especially sa mga musical play katulad ng kanyang idolong si Lea Salonga.
Sa tulong na rin ng former actor at ngayon ay matagumpay na producer na siJeffrey Gonzales na kababayan niya ‘di malayong makamit na ni Jaja ang matagal nang minimithi.
MATABIL – John Fontanilla