ITINANGGI na noon ni Bienvenido Laud, isang retiradong pulis, na ginawang tapunan o libingan ng sinasabing mga biktima ng Davao Death Squad, ang kanyang quarry site sa Brgy. Ma-a sa Davao City.
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre, dating abogado ni Laud.
Bagama’t may mga buto aniyang nahukay sa quarry site, hindi napatunayan kung ang mga labi ay buto ng tao o hayop.
Sinasabing naging libingan ang lugar ng mga namatay noong panahon ng Hapon, kaya hindi kataka-taka na may nahukay roong mga buto.
Ngunit paniwala ni Aguirre, hindi masasabing ebidensiya ang mga buto para patotohanan ang pamamayagpag ng DDS, at mga biktima nga ng nasabing hit squad ang mga butong natagpuan sa Laud quarry site.
(LEONARD BASILIO)