Wednesday , May 14 2025

Markus, nagulat sa pag-uugnay sa kanila ni Magui

PINABULAANAN ng pinakabagong dagdag sa pamilya ng BNY ang male winner ng BNY Search For Next Gen. Ambassador na si Markus Paterson na nililigawan niya ang anak ni Karla Estrada na si Magui.

Kuwento ni Markus sa presscon nila ni Nicole Grimalt na . “I’m just going there kasi kaibigan ko naman si Daniel, pero hindi ko talaga nililigawan ‘yung kapatid niya.”

Dagdag pa ng guwapong ambassador, “Nagulat din po ako kasi I’m just trying to be friendly with the whole family, not just Daniel.”

Naging close sina Markus at Daniel dahil sa segment ng ASAP na Chillout. “Palagi po silang nagge-guest doon so, parang, ‘Hey Whats Up Bro?’”

At nang mag guest ito sa Magandang Buhay na isa sa host si Karla Estrada, inimbita nito si Markus sa kanilang bahay.

“So, dumadalaw ako, parang matagal na kaming hindi nag-catch up, eh.”

Very honest nitong sinabi na wala siyang nililigawan dahil mas priority niya ang showbiz career.

MATABIL – John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Dennis Trillo Rhea Tan Beautederm Belle Dolls

Dennis swak na endorser ng Belle Dolls Zero Filter Sunscreen, Rhea Tan idiniin kahalagahan ng skin care sa mga lalaki

SOBRANG thankful si Dennis Trillo na finally, officially ay part na ng Beautederm family ang …

VMX Karen Lopez

VMX star Karen Lopez ilang araw ng nawawala

MATABILni John Fontanilla HINDI makontak ilang araw na at nawawala ang VMX (dating Vivamax) star na si Karen …

GMA Election 2025

Pinakamalaki, komprehensibo, pinagkakatiwalaan hatid ng Eleksiyon 2025: 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA pamamagitan ng Eleksyon 2025: The GMA Integrated News Coverage, asahan na …

COMELEC Vote Election

Konsensiya at puso gamitin sa pagboto

PUSH NA’YANni Ambet Nabus ESPESYAL ang araw na ito para sa bansa. Huhusgahan na natin …

L sign Loser Vote Election

Mga artista mas ok kaysa trapo o dinastiya

I-FLEXni Jun Nardo EXCITING sa aming taga-showbiz malaman kung sino-sino ang papalarin sa mga artistang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *