GUEST si PJ Endrinal sa Home Sweetie Home ngayong Sabado sa ABS-CBN 2. Umaarte rin pala ang anak ng ABS-CBN executive na si Sir Deo Endrinal.
May hashtag ito na #HSHhow2bero. Bakit instead na tubero ay callboy ang nakuha ni Nanay Loi (Sandy Andolong)? Ano ang reaksiyon ng mag-asawang Romeo (John Lloyd Cruz) at Julie (Toni Gonzaga)?
Bakit naman nag-clash sina Sir Paeng (Ogie Diaz) at ang millennial na delivery boy (PJ Endrinal)?
Sino naman ang mamomroblema sa pagbabayad ng talo sa pustahan? ‘Yan ang abangan.
TALBOG – Roldan Castro