Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
dead baby

3-anyos paslit nabagsakan ng hollow blocks patay

PATAY ang isang 3-anyos lalaking paslit, makaraan mabagsakan nang nakasalansan na hollow blocks sa isang inire-renovate na bahay habang naglalaro sa Old Sta. Mesa, Maynila, kamaka-lawa ng hapon.

Binawian ng buhay habang isinusugod sa San Juan Medical Center Hospital, ang biktimang si John Brandon Garcia, ng 4886 Int. 22, San Roque St., Old Sta. Mesa, Maynila, bunsod nang pagkabasag ng bungo at may matigas na bagay na tumusok sa kanyang kanang pisngi.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Aldeen Legaspi, ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang insidente dakong 1:20 pm sa 4886 Int. 22, San Roque St., Old Sta. Mesa.

Naglalaro ang bata sa kinukumpuning bahay na pag-aari ni Ronhel Claud, 31, nang mabagsakan ng hollow blocks, na isinalansan ni Fracisco Barcial, Jr., 42, construction worker.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid kung may pananagutan sina Claud at Barcial sa pagkamatay ng biktima.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …