TATLONG korporasyon ang hinahabol ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa kabiguang magbayad ng buwis.
Partikular na inireklamo ng BIR sa Department of Justice (DoJ), ng paglabag sa Section 255 in relation to Sections 253 at 256, ng National Internal Revenue Code of 1997, ang Diversified Plastic Film Systems Incorpora-ted, kasama ang managing director na si Carlos De Castro, vice president for finance administration na si Jose Maria Ricardo Garcia, at treasurer na si Miguel Antonio Garcia,
Gayondin ang High Capacity Security Force Incorporated, at presidente nito na si Virginia Villanueva, at treasurer na si Edgardo Villanueva.
Kasama rin sa inireklamo ang Ruby Star Services Incorporated, at ang chairman na si Ramon Montano, presidente na si Guderian Montano, vice president at general ma-nager na si Jose Montano.
Sa rekord ng BIR, aabot sa P81.13 milyon ang halaga ng tax liabilities ng Diversified Plastic Film para sa taon 2006.
Nasa P11.65 milyon ang buwis na hinahabol ng BIR sa High Capacity Security Force para sa taon 2008.
(LEONARD BASILIO)