MUKHANG maganda ang pasok ng taon para sa itinuturing na man of the hour na si Paolo Ballesteros dahil after Manalo sa Tokyo Film Festival at Metro Manila Film Festival, muli itong nakatanggap ng parangal mula sa FDCP.
Ipiinost ni Paolo sa kanyang Instagram account ang kanyang Film Ambassador Award mula sa Film Development Council of the Philippines (FDCP) para sa natatanging pagganap sa Die Beautiful.
“Thank you FDCP for this recognition! Film Ambassador Award Congrats team #DieBeautiful @junrobleslana @percinotpercy @omardarling @ferdy_lapuz.”
Bukod nga sa nasabing parangal ay maraming nagsasabing maaari ring manalo sa iba pang mga award winning body ngayong taon si Paolo para sa mahusay na pagganap sa Die Beautiful.
MATABIL – John Fontanilla