Saturday , November 16 2024

21 sugatan sa Tondo fire

020917 sunog Parola Tondo
UMABOT sa 21 katao ang sugatan, at 3,000 pamilya ang nawalan ng tirahan, sa sunog na umabot sa Task Force Delta sa Area B, Gate 10, Parola, Tondo, Maynila. (BONG SON)

UMABOT sa 21 katao ang sugatan, kabilang ang 16 bombero, habang 3,000 pamilya ang nawalan ng tirahan, makaraan ang 10 oras sunog sa Area B, Gate 10, Parola, Tondo, Maynila, kamakalawa.

Ayon kay C/Insp. Marvin Carbonnel, fire marshal ng Bureau of Fire Protection-Manila, nagsimula ang sunog dakong  9:41 pm sa bahay ng isang kinilalang si Lola Adan.

Umabot ang alarma ng sunog sa Task Force Delta, at dakong 7:25 am kahapon nang ideklarang fire-out.

Napag-alaman, mabilis na kumalat ang sunog dahil pawang yari sa light materials ang kabahayan.

Tinatayang umabot sa P6 milyon ang halaga nang napinsalang mga ari-arian.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Arson Division sa posibleng sanhi ng sunog.

(LEONARD BASILIO)

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *