INATASAN ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang lahat ng labor attachés sa iba’t ibang bansa, na magsagawa ng imbentaryo sa nakakulong na overseas Filipino workers (OFWs), partikular ang mga nahatulan ng bitay, at palakasin ang pagbibi-gay ng tulong sa kanila.
“Inatasan ko sila na magsagawa ng kompletong imbentaryo ng mga nakakulong na OFW, lalo na iyong nahatulan ng kamata-yan. Gusto kong malaman kung anong tulong ang maaaring maibigay sa kanila,” ani Bello.
Inatasan niya ang Philippine Overseas Labor Office (POLO), na bigyan ang mga OFW, dokumentado man o hindi, nang nararapat na ayuda at serbisyo upang matulungan ang kanilang mga pamilya.
“Sila man ay regular at dokumentado, o hindi regular at hindi rin dokumentado, nararapat na sila ay makatanggap ng libreng tulong-legal, tulad nang pagha-handa ng mga susuportang dokumento.”
Samantala, umaasa si Bello na mapipigilan ng pamahalaan ng Filipinas ang pagpataw ng parusa kay Elpidio Lano sa Kuwait, kasunod nang pagtatakda ng pagpupulong sa pamilya ng namatay na kapwa Filipino.
Nahatulan ng kamatayan si Lano kaugnay sa pagpatay sa kapwa Filipino na si Nilo Maca-ranas noong 16 Hunyo 2014.
Sinabi ni Bello, nakatakda siyang makipag-usap sa asawa ni Nilo Macaranas, upang kombinsihin ibigay ang kapatawaran at tanggapin ang blood money.
“Umaasa kami na ibababa ang sentensiya ni Lano sa pagkakulong, at sana, ang kanyang kalayaan,” ani Bello.
(LEONARD BASILIO)