PITONG kalalakihan ang dinampot ng pulisya nang ma-tiyempohan habang naglalaro ng cara y cruz sa tabi ng kalsada sa Tondo, Maynila kahapon.
Nakapiit sa Manila Police District Station 1, ang mga suspek na sina Jonald Postrero, 23; Donnis Espino, 24; Eugene Tayag, 40; Milandro Guerrero, 30; Salvador Martinez, 48; Jimmy Traso, 36; at Mavin Etang Capinding, 31, pawang ng nasabing lugar.
Ayon sa imbestigasyon ni Supt. Robert Domingo, station commander ng MPD PS1 Raxa Bago, dakong 1:00 pm nang matiyempohan nang nagpapatrolyang mga pulis ang mga suspek habang naglalaro ng cara y cruz sa Lacson St. kanto ng Innocencio kaya sila ay inaresto.
Sinampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa PD 1602 (Illegal Gambling) sa Manila City Prosecutor’s Office. (LEONARD BASILIO)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com