Saturday , November 16 2024
suicide jump hulog

Epileptic ‘tumalon’ mula 14/F nangisay

PATAY ang isang 28-anyos lalaking Epileptic patient na sinabing tumalon mula sa ikaapat palapag ng isang gusali sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Agad binawian ng buhay ang biktimang si John Kerwin Lipurada, walang asawa, residente sa Unit 1404, España Tower sa Josefina St., kanto ng Espana St., Sampaloc, Maynila.

Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Roderick Magpale ng Manila Police District Homicide Section, dakong 4:50 am nang maganap ang insidente sa nabanggit na lugar.

Ayon sa dalawang security guard, bigla na lamang silang nakarinig ng kalabog at pagkaraan ay natagpuan ang wala nang buhay na biktima.

Ayon kay Rowena Reyes, tiyahin ng biktima, may epilepsy ang kanyang pamangkin at may ilang pagkakataon na biglang tumatakbo kapag inaatake ng sakit.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang mabatid kung may naganap na foul play sa insidente.

(LEONARD BASILIO)

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *