Saturday , December 27 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

5 tulak arestado sa buy-bust

ARESTADO ang limang lalaking hinihinalang tulak ng droga, sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Malate, Maynila, kamakalawa.

Nakapiit sa Manila Police District PS9 Malate, ang mga suspek na sina Richard Rabe, 33; Bonifacio Lucion, nasa hustong gulang; Roa Jomar,  20; Ibrahim Asbi, 38, at Randy Rasali, 36, pawang mga residente ng 2184 Leveriza St., Malate, Maynila.

Sa imbestigasyon ni S/Insp. Dave Garcia, hepe ng SAID-SOTU, dakong 8:00 pm nang maaresto ang mga suspek sa Balingkit St., kanto ng Bagong Lipunan St., Malate.

Ayon sa ulat ng pulisya, may tumawag na impormante, nagsabing may nagtutulak ng droga sa nabanggit na lugar.

Bunsod nito, nagkasa ng buy-bust operation ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek.

(LEONARD BASILIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Maan Teodoro Water

Marikina Mayor  isinalba Barangay Tumana na naputulan ng supply ng tubig

DAHIL sa pagsisikap at agarang pagkilos ni Marikina Mayor Maan Teodoro, hindi na magpa-Paskong walang …

Raymond Adrian Salceda Kiko Tiu-Laurel

Pinalaking 2026 F-M-R badyet ng DA, denidepensahan ni Salceda

Denisdepensahan ni Albay 3rd District Rep. Raymond Adrian Salceda ang Department of Agriculture (DA) sa mga …

Stella Quimbo Greco Belgica

Belgica pinagpapaliwanag si ex-Cong. Quimbo vs maanomalyang flood control projects

PINAGPAPALIWANAG ni dating Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) chairman Greco Belgica si dating Marikina 2nd District …

Maan Teodoro Marikina Manila Water

Marikina Mayor pinamamadali budget para punan utang sa tubig

PINAMAMADALI ni Marikina City Mayor Maan Teodoro ang pagpasa ng pondo sa Sangguniang Panlungsod para …

Martin Romualdez

Walang katotohanan!
 Romualdez, ‘di inirekomenda ng ICI sa Plunder case; trabaho tuloy

MARIING itinanggi ng kampo ni dating Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga tangkang iugnay …