Wednesday , May 14 2025

12 sugatan sa 2 banggaan sa Maynila

UMABOT sa 12 katao ang sugatan sa dalawang insidente ng banggaan sa Maynila kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa imbestigasyon ng Manila District Traffic Enforcement Unit, nagbanggaan ang pampasaherong jeep (PWR-873) na minamaneho ni Bievenido Tabale, at Mitsubishi Galant (DTG-480) na minamaneho ni Rafael Gonzaga, 52, dakong 1:40 am sa Kalaw Avenue at Taft Avenue, Ermita, Maynila.

Bukod sa dalawang driver, sugatan din sa insidente ang pitong pasahero ni Tabale na agad isinugod sa PGH.

Sugatan ang driver na si Renz Bagtas, ng SUV (TSI-965) at dalawa niyang kasama, nang bumangga sa isang delivery truck ng prutas na minamaneho ni Roger Bosotros dakong 1:00 am sa Remedios St. kanto ng Taft Avenue, Maynila.

(LEONARD BASILIO)

About Leonard Basilio

Check Also

Alan Peter Cayetano

Oras ng pagboto, trabaho ng mga guro, kailangan ng agarang reporma — Cayetano

HINIKAYAT ni Senador Alan Peter Cayetano ang gobyerno nitong Lunes na magsagawa ng mga reporma …

Marikina Comelec

Kahit nanguna sa bilangan
MARCY TABLADO SA COMELEC
May DQ ka pa – en banc

TINABLA ng Commission on Elections (Comelec) en Banc ang proklamasyon ni Marcelino “Marcy” Teodoro bilang …

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *