Monday , December 23 2024
NAIA arrest

Puganteng Belgian arestado (BI, Interpol nagsanib)

INIANUNSIYO ni Commissioner Jaime H. Morente ng Bureau of Immigration ang matagumpay na pagkakadakip sa puganteng high profile Belgian national sa NAIA Terminal II, sa pamamagitan ng INTERPOL database system.

Si Daveloose Franky Freddie, tinutugis ng Belgian government maka-raan takasan ang mga awtoridad, ay naaresto ng immigration officer habang paalis sa NAIA isang buwan makaraan magsanib ang BI at INTERPOL sa pagsugpo sa transnational crimes.

Ipinatupad simula noong Disyembre 2016, sa interconnectivity ng BI at INTERPOL database system, magagawang masabat at maaresto ng Immigration Officers ang transiting foreign national, sa pamamagitan ng real time biometric travels, criminal at personal na impormasyon ng suspek.

Sinabi ni Chief of Port Operations Division Marc Red Marinas, sa pamamagitan ng linkage ng BI at Interpol database system, nagkaroon ng access ang ating Immigration officers sa inpormasyon ng international criminal police organization, kaya ang arrival at departure formalities ay nalalapit na sa global standards.

“Fugitives, criminals, sex offenders, and foreign nationals wanted by their respective states and o-ther authorities may now be easily intercepted by our immigration officers through our dedicated partnership with the INTERPOL in ensuring security at our international ports,” pahayag ni Marinas.

Ang INTERPOL ng Brussels ay nagpapaha-yag ng pasasalamat sa Philippine Bureau of Immigrationsa pagkakada-kip sa nasabing pugante.

“Through the Immigration’s effort to aggressively target fugitive aliens entering or transiting in our borders, we continue to suppress and prevent possible crimes and atrocities to be committed by these undesirable aliens,” pahayag ni Morente. (JSY)

About JSY

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *