Saturday , November 16 2024

Modernisasyon ng PNR tiniyak ni Lastimoso

NAKIKIPAGPULONG ngayon ang ilang key official ng Duterte administration para makompleto ang kasunduan sa pagitan ng Filipinas (RP) at People’s Republic of China (RPoC) ukol sa ilang memorandum of understanding (MOU) na magbibigay-daan sa modernisasyon ng railway system sa bansa.

Ito ang ipinahayag ni Philippine National Railways chairman retired Gen. Roberto Lastimoso sa Tapatan sa Aristocrat media forum sa Malate, Maynila sa pagtalakay ng mga plano ng pamahalaan para sa pagtatatag ng modernong railway system na maaaring maitulad sa China at Europa.

“It will happen,” mariing sinabi ng dating hepe ng Philippine National Police (PNP) sa pag-usisa sa kanya sa kalagayan ng PNR at mga programa nitong nakatuon sa rehabilitasyon ng dating tren mula sa Tutuban hanggang Bicol Region at planong pagpapatayo ng railway system sa Mindanao at Viayas.

Ipinaramdam ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagnanais niyang magkaroon ng modernong railway system sa bansa na mag-uugnay sa mga rehiyon para mapabuti ang kalakalan at transportasyon.

“Sinabi ni Pangulo na ‘give me a railway’ kaya ito ang aming gagawin,” dagdag ni Lastimoso.

Tinukoy niya na mas may realidad na mauna ang rehabilitasyon ng linya mula Tutuban hanggang Legaspi dahil existing ito at kailangan lang i-refurbish.

Sumang-ayon si Department of Transportation (DoTr) rail sector senior project development officer Atty. Timothy John Batan sa pagbanggit sa ilang problemang haharapin sa pagtatayo ng bagong linya ng tren sa Visayas at Mindanao.

“Hindi na kailangan pang isaayos ang ‘right-of-way’ kung itutuloy ang rehabilitasyon ng existing train  line natin mula Tutuban patungong Bicol,” ani Batan.

Nakaplantilya sa programa ng modernisasyon ang pagpapalawig ng linya ng tren patungo sa kanluran at katimugang Luzon.

“Sa ngayon, hanggang Calamba ang ating tren pero kapag nakompleto sa 2021 ang proyekto natin dito, aabot ito hanggang Legaspi at madaragdagan pa hanggang Matnog habang sa norte ay aabot na rin sa Clark,” dagdag ni Batan. (TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *