NAGDULOT ng tensiyon sa mga residente at sa katabing bahay-ampunan ang sunog sa bunkhouse na nagsisilbing barracks ng towing and trucking company sa Sta. Ana, Maynila, kahapon ng madaling araw. Nabatid mula sa Manila Fire Department, dakong 6:05 am nang magsimula ang sunog na umabot sa 1st Alarm at ganap na naapula 6:34 am. Partikular na nasunog ang 10 silid ng bunkhouse na container van at kahoy, tinutuluyan ng mga trabahador ng C.B. Barangay Enterprises Towing and Trucking Services Inc. sa Sagrada Pamilya St., pag-aari ng isang Cecilia Barangay, nagpaparenta ng traktora, forklift at iba pang makinarya. Nag-overheat na electric fan ang sanhi ng sunog, na nasa ikalawang palapag ng bunkhouse, ayon sa MFD. Hindi nasunog ang kalapit na Missionaries of the Poor, kumakalinga sa mga batang may cerebral palsy at matatandang inabandona pero nataranta sa paglilikas gamit ang mga wheelchair dahil sa kapal ng usok. Walang naiulat na nasaktan o nasugatan sa insidente. (LEONARD BASILIO)
Check Also
Tulfo una sa bagong survey
NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …
Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado
INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …
Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG
SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …
Apela ni Kiko
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN
MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …
Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon
ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …