Saturday , November 16 2024

Badjao utas sa boga ng CSF (Nagtitinda ng cellphone sa kalye)

PATAY ang isang  katutubong Badjao nang barilin ng isang miyembro ng City Security Force (CSF) ng Manila City Hall, habang nagbebenta ng cellphone sa mga driver ng truck sa A. H. Lacson Avenue, Sampaloc, Maynila kahapon.

Kinilala ang biktimang si Jimmy Saed, miyembro ng Badjao tribe, naninirahan sa Angeles, Pampanga, isang linggo pa lamang nananatili sa lugar at kalalabas mula sa Manila Reception and Action Center shelter.

Habang naaresto ang suspek na si Renato Ramos, 43, miyembro ng CSF ng Manila City Hall at re-sidente sa Tindalo St., Tondo, Maynila, nakilala sa pamamagitan nang nahulog na cellphone at ID habang tumatakas lulan ng motorsiklo. Sa imbestigasyon ni PO3 Rodel Benitez, dakong 12:30 am nang maganap ang insidente sa A. H. Lacson Avenue. Batay sa salaysay ng ka-patid ng biktima na si Jess Said, nagbebenta sila ng cellphone sa mga driver ng truck na dumaraan sa lugar nang biglang dumating ang suspek na lulan ng motorsiklo at binaril sa sentido si Jimmy. Tinangka rin aniya siyang barilin ng suspek ngunit hindi siya tinamaan.

(LEONARD BASILIO)

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *