Saturday , November 16 2024

SPO3 Sta. Isabel itinuro (Koreano pinatay sa loob ng crame); May-ari ng punerarya nasa Canada na

011317 NBI korean kidnap
DUMULOG sa tanggapan ng NBI-NCR si Choi Kyung Jin, Korean national, upang humingi ng tulong kaugnay sa asawa niyang si Jee Ick Joo na kinidnap noong Oktubre 2016. (BONG SON)

SI SPO3 Ricky Sta. Isabel ang pumatay sa pamamagitan ng pagsakal sa Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo.

Ito ang lumalabas sa salaysay ni SPO4 Roy Villegas, kasama sa operasyon ng grupo ni Sta. Isabel na inakala raw niya ay lehitimo.

Ayon kay Villegas, mula sa Angeles City, Pampanga, dumaan sila sa Kampo Crame para ilipat ng sasakyan ang kasambahay ni Jee na si Marisa Morquicho na tinangay rin mula sa bahay ng dayuhan.

Tinanong pa raw niya si Sta. Isabel ng mga katagang “Akala ko darating sila Director?” na tumutukoy sa pinuno ng kanilang unit sa PNP-Anti-Illegal Drugs Group.

Ang naging tugon aniya ni Sta. Isabel: “Basta sama-sama tayo dito.”

Nakita raw ni Villegas na kinausap ni Sta. Isabel ang isang Sir Dumlao at narinig niya ang tungkol sa warrant of arrest.

Katunayan, nilapitan pa raw ni Villegas ang sinasabing Sir Dumlao at sinabing “Sir, ang alam ko ay kilala niyo ang mga taong ito dahil ang pagkakaalam ko ay sanction nyo ito.”

Tinukoy pa ni Villegas, nakita niya si Sta. Isa-bel na bumalik ng sasak-yan at may bitbit na packaging tape  at surgical gloves.

Inutusan daw sila ni Sta. Isabel na takpan ang ulo ng biktima ng packaging tape.

Tinanong umano ni Villegas kung para saan ang gagawin, sinabihan lamang daw sila ni Sta. Isabel na sundin na lamang siya at huwag nang pansinin si Dumlao.

Aniya, nakita niya na sinakal at pinatay ni Sta. Isabel si Jee, pagkatapos ay tumawag sa isang alyas Ding na tumanggap sa katawan ng biktima kapalit ng P30,000 at isang golf set.

Dinala nila ang bangkay sa isang funeral parlor, at itinapon ang cellphone ng biktima at ng babaeng kasama, sa utos ni Sta. Isabel.

Nang mapagtanto ni Villegas na taliwas sa kanyang akalang lehitimo ang operasyon, sinunod pa rin niya si Sta. Isabel dahil sa takot sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya.

(LEONARD BASILIO)

KOREANO PINATAY
SA LOOB NG CRAME

MAY hawak nang ebidensiya ang PNP-Anti Kidnapping Group (AKG) na pinatay sa sasakyan sa loob ng PNP headquarters sa Camp Crame ang kinidnap na negosyanteng Koreano na si Jee Ick Joo.

Itinuturo na si SPO3 Ricky Sta. Isabel ang pumatay sa Koreanong negosyante sa pamamagitan ng sakal.

Ayon kay PNP-AKG legal officer, Supt. Dennis Wagas, may hawak na silang ebidensiya ukol dito at kanila na itong naisu-mite sa Department of Justice (DOJ).

Sinabi ni Wagas, nakuha nila ang nasabing impormasyon mula sa i-lang testigo sa nasabing kaso.

Samantala, kinompirma rin mismo ni PNP chief, Dir. Gen. Ronald Dela Rosa na sa loob ng Camp Crame pinatay ang dayuhan.

Mismong ang mga kasamahang pulis ni Sta. Isabel ang nagbunyag sa PNP kaugnay sa insidente.

Sinabi ni Dela Rosa, batay sa pahayag ng mga testigo, sinabihan sila na may go signal na sa kanilang team leader na patayin si Joo.

MAY-ARI NG PUNERARYA
NASA CANADA NA

KINOMPIRMA ng Bureau of Immigration (BI) sa pamamagitan ng Department of Justice (DoJ), nakalabas na sa bansa ang itinuturong may-ari ng Gream Funeral Homes sa Bagbaguin, Caloocan City na pinagdalhan ng bangkay ng dinukot na Korean national sa Angeles City, Pampanga.

Sinabi ni Justice Undersecretary Erickson Balmes, batay sa monitoring ng BI, lumipad patungong Vancouver, Canada ang isang Gerardo Gregorio Santiago noong ika-11 ng Enero, 2017 sakay ng PAL Flight PR 118.

Si Santiago ay sina-sabing isang dating pulis at nakatrabaho sa Northern Police District ni SPO3 Ricky Sta. Isabel.

Si Sta. Isabel ang itinuturong isa sa walong suspek na kumaladkad sa Koreanong si Jee Ick-Joo at isinakay sa itim na sasakyan.

Samantala, ayon sa pamahalaang lungsod ng Caloocan, naghain ng “leave” sa trabaho si Santiago bilang chairman ng Brgy. 165 ng naturang lungsod.

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *