Saturday , November 16 2024

Senador Escudero pabor sa Federalismo pero…

PABOR si opposition Senator Francis ‘Chiz’ Escudero sa Federalismo ngunit binigyang-diin na kailangang isagawa ang pagbabago ng sistema ng pamamahala sa pamamagitan ng amyenda sa Saligang Batas.

Sa Kapihan sa Manila Bay sa Café Adriatico sa Malate, Maynila, ipinaliwanag ni Escudero ang ilang mga punto sa Federalismo na kailangan munang pagtuunan ng pansin para matiyak na ito nga’y makabubuti para sa sambayanang Filipino.

Sa simula, nagpahayag si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagnanais niyang gawing isang federal state ang Filipinas para maisaayos umano ang paghahatid ng serbisyo ng pamahalaan sa mamamayan. Kasama rito ang mas maayos na pagpopondo at matatag na pananalapi sa itatatag na mga rehiyong bubuo ng nasabing estado.

“The closest we have to a federal state is the Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) and yet it remains today one of the poorest regions in the country,” ani Escudero.

“Until there is money for it, or regions wanting to embrace federalism have the capacity to generate money, then the idea of federalism is pointless, because such regions will not be able to control their destiny,” dagdag ng senador.

Iminungkahi ng senador na magkaroon ng transisyon muna sa sharing ng pondo sa pagitan ng national government at mga local government unit (LGU) para hindi na umaasa pa ng karagdagang budget ang mga LGU.

“The budget sharing transition could be made in such a way that LGUs would receive a bigger share from revenue collections so that they would be able to finance their own projects as an autonomous unit of governance separated from national government,” aniya.

(TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *