PATULOY pang tinutukoy ng NBI ang pagkakakilanlan ng lima pang suspek sa pagdukot sa isang Koreanong negos-yante sa Angeles City, Pampanga.
Sa ngayon, tatlong suspek pa lamang ang nakikilala at pina-ngalanang respondent sa reklamong kidnapping at serious illegal detention na inihain ng PNP-Anti Kidnapping Group sa DoJ.
Ang tatlo ay kinabibilangan ng isang pulis, driver at isa pang kasabwat.
Sa press conference kahapon, kinompirma ni Atty. Bryan Bantilan, abogado ni Choi Kyung Jin, maybahay ng biktimang si Jee Ick Joo, nasa protective custody na ng PNP-AKG ang kasambahay ng mag-asawang Koreano na kasamang tinangay ng mga suspek.
Ayon kay Bantilan, ang kasambahay na pinakawalan din kinabukasan ng mga kidnapper, ay itinuturing na pa-ngunahing testigo.
Napag-alaman, makaraan bayaran ni Choi ang P5 milyon ransom noong 31 ng Oktubre 2016 ang mga suspek sa isang fast food chain sa Angeles City, wala pang “proof of life” o patunay na buhay pa ang kanyang asawa.
(LEONARD BASILIO)