Saturday , November 16 2024

8-anyos, 3 bagets nalunod sa ilog

BULACAN – Isang 8-anyos paslit at tatlong teenager ang nalunod sa magkahiwalay na insidente sa Bulacan nitong Sabado.

Tinangay nang malakas na daloy ng tubig ang magkaklase na sina Jaysi Balitaosan, 19, at Jericho Burgos, 18, nang lumangoy sila sa Angat River sa Norzagaray.

Sinasabing may shooting ng isang short film ang dalawang binatilyo at napili ang Bakas Resort dahil sa taglay na ganda ng lugar.

Ngunit dahil dayuhan sa lugar ang mga estudyante, hindi nila alam na tuwing tanghali tumataas ang tubig sa lugar dahil sa pagpapaandar ng turbine sa Angat Dam.

Ito ang pinaniniwalaang dahilan ng mga awtoridad sa kanilang pagkalunod.

Patuloy ang rescue operations at umaasa ang pamilya ng mga biktima na matatagpuan silang buhay.

Samantala, dalawa rin ang nalunod sa ilog sa Brgy. Kaingin sa San Rafael, Bulacan.

Napag-alaman, hinuhugasan ng isang lalaki at ng kanyang dalawang anak ang kanilang truck sa ilog nang malunod ang dalawa niyang anak.

Ang dalawang biktima ay may edad 8-anyos at 16 anyos.

Nakuha na ang bangkay ng isang biktima ngunit patuloy pa ang paghahanap sa isa pang bata.

(MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *