Saturday , November 16 2024
dead baby

Sanggol inilaglag, 26-anyos ina kinasuhan ng aborsiyon

NAHAHARAP sa kaso ang isang 26-anyos babae nang namatay ang isinilang niyang sanggol dahil sa paggamit ng Cytotec sa Pandacan, Maynila.

Si Marivic Mapesa, may live-in partner, ng 2062 Lozada St., Pandacan, Maynila ay sasampahan ng kasong abortion.

Ayon sa imbestigas-yon ni SPO2 Jonathan Bautista ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong 1:20 am nang ideklarang patay ang isinilang na sanggol ni Mapesa sa delivery room ng Ospital ng Maynila.

Nauna rito, isinugod ni Ian Lee Carl, boyfriend ni Mapesa, sa ospital ang suspek nang dumaing nang matinding pananakit ng tiyan habang nasa trabaho bilang waitress sa Buendia, Makati City.

Gayonman sa imbes-tigasyon ng pulisya, i-namin ni Mapesa na bago ang pananakit ng kanyang tiyan ay naglagay siya ng dalawang pirasong Cytotec sa kanyang ari dakong 9:00 pm kamakalawa habang siya ay nasa trabaho.

Nang nakaramdam nang pananakit ng tiyan, dinala siya ng boyfriend sa ospital at nagsilang ng sanggol na babae ngunit idineklarang patay dahil sa paggamit ng Cytotec.

(LEONARD BASILIO)

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *