Friday , April 18 2025

Sindac itinalagang hepe ng ARMM-PNP

SA pagpasok ng bagong taon, may bagong hepe ang pulisya sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) makaraang italaga bilang regional director si Chief Superintendent Reuben Theodore Sindac.

Sa pagkakatalaga ni Sindac bilang hepe ng pulisya sa rehiyon, nangako siyang itataguyod at susuportahan ang mga programang pangkayapaan na isinusulong ng pamahalaan sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Pinalitan ng dating tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP) at hepe ng public information office si outgoing ARMM regional director Chief Superintendent Agripino Javier, na itinalaga naman bilang hepe ng pulisya sa Region 10.

“I will do the same. I will be a peacemaker too like all of them,” diin ni Sindac sa pangakong itutuloy niya ang lahat ng mga domestic project na makatutulong sa pagkakaroon ng magandang ugnayan sa pagitan ng pamahalaan at mga komunidad ng Muslim sa autonomous region.

Nasasakupan ng ARMM ang mga lalawigan ng Maguindanao at Lanao del Sur sa mainland ng Mindanao, at ang mga isla ng Basilan, Sulu at Tawi-Tawi, na kilalang mga moog ng Moro Islamic Liberation Front at the Moro National Liberation Front.

“I am also for lasting peace in this part of the country. I want my Muslim, Christian and Lumad compatriots in the ARMM to thrive in peace and reap the fruits of tranquility and religious solidarity like economic boom and better livelihood opportunities,” dagdag ni Sindac.

Bago naitalagang ARMM regional director, ang huling puwestong hinawakan ni Sindac ay bilang director for logistics and support service ng PNP.

Pumasok siya sa PNP noong 1991 bilang chief inspector makaraang magsilbi sa Philippine Army ng pitong taon. (TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Check Also

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …

SV Sam Verzosa Wilson Lee Flores

Sam Verzosa handang makipagharap kay Isko Moreno sa isang matalinong debate

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HANDANG-HANDA si Manila Mayoralty candidate Sam Verzosa, sakaling anyayahan siya para sa …

Ortigas Malls

Ortigas Malls engrandeng pagsalubong sa Easter Sunday magaganap

NAGLABAS ng Holy Week mall hours ang Ortigas Malls para sa mallgoers, bilang paggunita sa …

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

FPJ Panday Bayanihan Partylist, 500,000 Signatures tinanggap mula sa Volunteer Movement

NAKAMIT ng FPJ Panday Bayanihan Partylist ang matatag na suporta mula sa publiko sa pamamagitan …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *