PUMALO sa 90 ang bilang ng mga biktima ng paputok ilang araw bago salubungin ang Bagong Taon.
Batay ito sa pinakahuling datos ng Department of Health (DoH) mula 21-28 Disyembre.
Nanguna ang NCR sa mga lugar na may pinakamaraming bilang ng biktima ng paputok (45.50%), sinundan ng Region 6 (10.11%) at CALABARZON (9.10%).
Inilabas ni Health Sec. Paulyn Jean Rosell-Ubial ang nasabing datos kasabay nang pormal na paglulunsad ng Shame campaign o Alert campaign ng ahensiya kahapon.
Sa NCR ay pinakamarami ang nanggaling sa Maynila, pumangalawa ang Quezon city at ikatlo ang Mandaluyong.
Samantala, sa Region 6 ay nanguna ang Bacolod sa dami ng firecracker related injuries, sinundan ng Bacolod, Bago at I-loilo City.
Sa CALABARZON, pinakamarami sa Antipolo City at San Mateo.
Pinakamaraming nabiktima ang Piccolo, ipinagbabawal na uri ng paputok sa bansa, pumangalawa ang Boga, Whistle Bombo, Kwitis at iba pa.
(LEONARD BASILIO)