TINANINGAN ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ng 24-oras ang tatlong opisyal na isinasangkot sa sinasabing ‘lagayan’ para makalaya ang ilang Chinese nationals na nahuli sa illegal online casino sa Clark Freeport, Pampanga.
Ayon kay Morente, tinaningan niya at pinagpapaliwanag sina Associate Commissioners Al C. Argosino at Michael B. Robles gayondin si Acting BI Intelligence chief, Director Charles T. Calima Jr., sa nasabing usa-pin.
“I have directed Associate Commissioner Al C. Argosino, Associate Commissioner Michael B. Robles and Acting BI Intelligence chief, Police Director Charles T. Calima Jr., to submit their written explanation within 24 hours of receipt of my memorandum,” ayon sa kalatas ni Morente.
Aniya, ang inisyatibo ng BI ay hiwalay sa isasagawang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na iniutos ni Department of Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.
Magugunitang lumabas sa mga pahayagan, nakalaya ang ilang nahu-ling Chinese nationals kapalit ng P100,000 hanggang P250,000 kada ulo.
(LEONARD BASILIO)