Saturday , November 16 2024
Tito Sotto
Tito Sotto

No parking sa Metro Manila (Silver bullet ni Sotto sa trapiko)

MAY solusyon si Senador Vicente Sotto III sa problema ng trapiko — at hindi ito pagbibigay ng emergency powers kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Kapihan sa Manila Bay media forum sa Café Adriatico sa Malate, Maynila, ipinaliwanag ni Sotto na mahalagang mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang pag-alis ng lahat ng obstruksiyon o balakid sa mga kalsada bilang bahagi ng solusyon sa lumalalang problema sa trapiko kabilang ang pagbabawal na pumarada sa mga pangunahing lansangan.

“I have the proverbial silver bullet to solve the problem. Declare all streets a ‘no-parking’ zone,” idiniin ng majority floor leader ng Senado. “This will drastically reduce metro traffic.”

“Declare Metro Manila a no-parking zone. I think you will remove a big portion of vehicles passing through EDSA,” dagdag ni Sotto.

Sinabi ng senador na mas magiging madali ang pagpa-patupad ng ‘no-parking’ kaysa mga naunang pamamaraan na isinagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), tulad ng odd-even o carpooling scheme.

Bilang reaksiyon sa nasabing panukala, nagsabi ang hepe ng Highway Patrol Group (HPG) na si Chief Superintendent Arnold Gunnacao na posibleng maging ‘viable solution’ ang itinutulak na proposal ni Sotto.

“If all our arteries, all our streets are cleared from all illegally parked vehicle, then true enough there will be smooth flow of traffic,” ani Gunnacao.

(TRACY CABRERA)

About Tracy Cabrera

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *