TULOY na pala ang parada ng Metro Manila Film Festival sa December 23 na magsisimula sa Plaza Miranda sa Quiapo. Unang napabalita na wala nang paradang magaganap. Tama nga naman na ‘wag nilang putulin ang tradisyon na nasimulan dahil ‘yan ang panahon na patalbugan sa floats ang mga kasali sa filmfest at dinarayo pa ng mga probinsiya.
Isang malaking challenge sa pamunuan ng MMFF kung paano magiging masaya at matagumpay dahil bilang na bilang ang big stars na kasali sa filmfest at mga kilalang artista.
TALBOG – Roldan Castro