Sunday , December 22 2024

Bonifacio Day sinabayan ng protesta vs Marcos burial

GINUNITA sa lungsod ng Maynila ang ika-153 kaarawan ni Gat Andres Bonifacio ngunit ang pagdiriwang ay sinalubong ng kilos protesta ng mga grupong tutol sa

paghimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani (LNMB) gayondin ng mga grupong sumusuporta sa mga proyekto ni Pangulong Rodrigo Duterte, mga nagsusulong pederalisasyon at labor groups na humihiling na tuldukan ang kontraktuwalisasyon.

Dakong 8:00 am nang magsagawa ng wreath-laying ceremony sa Bonifacio Shrine, sa tabi ng Manila City Hall, sa Arroceros Street, Ermita, Manila ang mga opisyal ng Manila City government, at sinariwa ang kadakilaan at kabayanihan ni Bonifacio.

Habang bigo si Manila Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada na makadalo sa pagdiriwang dahil sa sinasabing napaka-hectic na schedule, ngunit may mga ulat na ang hindi niya pagdalo ay dahil sa pananakit ng ngipin, na itinanggi ng kanyang public information officer.

Kinatawan na lamang si Estrada ng Tourism Officer-In-Charge ng city hall na si Liz Villasenor.

Sa Mendiola, sa Sampaloc, Manila, maagang nagtayo ng entablado ang mga pro-Duterte group na “Kilusang Pagbabago,” upang ipakita ang kanilang suporta kay Pangulong Duterte.

Ayon kay Bonnie Del Frado, miyembro ng naturang grupo, pakay ng pagtitipon na iparating sa publiko ang magagandang proyekto ng gobyerno para sa bansa, lalo na sa mga mahihirap na hindi naaabot ng impormasyon ukol dito.

Paglilinaw niya, walang kinalaman ang kanilang pagtitipon-tipon sa mga ikinasang kilos-protesta laban sa paglilibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng Mga Bayani.

Sinimulan ang programa sa pamamagitan ng isang martsa mula sa bahagi ng Nagtahan papuntang Mendiola.

Dumalo rin dito si dating konsehal Greco Belgica at dating Laguna Governor ER Ejercito na nagsabing isinusulong lang nila ang pederalismo at nataon lamang na nasabay ito sa kaarawan ni Bonifacio.

(LEONARD BASILIO)

Himok ni Digong sa Filipino
MAGING AKTIBO
SA POLITIKA GAYA
NI BONIFACIO

HINIMOK ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na maging mas aktibo sa politika gaya ng bayani ng mga uring manggagawa na si Gat Andres Bonifacio.

“Our government calls on the public to get involved in community and national issues that affect our lives. May we all find strength to tap in our collective voice so that we can know ourselves better and understand our struggles in history,” ayon sa Pangulo sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng kaarawan ni Bonifacio kahapon.

Dapat aniyang gayahin ng mga Filipino ang pagmamahal ni Bonifacio sa bayan at suportahan ang kanyang mga inisyatiba tungo sa pagbabago.

“Every waking day is an invitation to dedicate our lives for a worthy cause; to uplift the quality of life of our countrymen; and to bring back the pride and honor in our identity as a people,” sabi niya.

Gaya ni Bonifacio ay kontra rin sa mga dayuhang mananakop si Duterte at naging batayan niya sa pagpapatupad ng independent foreign policy at pagkalas sa imahe ng bansa na tuta ng Amerikano.

“It was Bonifacio who dared to lead a mass action that defied the colonial rule and quelled the hunger of a people longing for change. Let us cultivate our capacity to act united and share common aspirations for a peaceful, just, prosperous, and truly free nation,” paalala ng Pangulo.

(ROSE NOVENARIO)

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *