ARESTADO ang isang 43-anyos kandidata ng Binibining Pilipinas 1992 at ang kanyang kinakasamang tomboy sa buy-bust operation habang nagpa-pot session sa Sampaloc, Maynila kamakalawa.
Nakapiit sa Manila Police District-Criminal Investigation and Detection Group (MPD-CIDG) ang mga suspek na sina Ma. Lovella Rival alyas Love, residente sa Lardizabal Extension, Sampaloc Maynila, at Marife Garlit, 46, taga-J.P. Laurel St., Sampaloc, Maynila, nasa top 3 drug watchlist ng MPD-CIDG.
Sa imbestigasyon ni Chief Insp. Wilfredo Sy, CIDG chief, dakong 2:30 pm nang maaresto ang mga suspek sa buy-bust operation habang nagpa-pot session sa 71-C M. Dela Fuente St., Sampaloc.
Si Garlit ay naging kandidata ng Binibining Pilipinas noong 1992 at nagawaran bilang Miss Photogenic.
( LEONARD BASILIO )