PATAY ang dalawa katao, kabilang ang isang tomboy, hinihinalang sangkot sa droga, makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaki sa Tondo, Maynila kahapon.
Kinilala ang mga biktimang sina Jesus Sabado, 30, pedicab driver, at Realyn Bigalan, 25, basurero, kapwa ng Tondo.
Habang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Joshua Babar, nasa hustong gulang, at isa pang hindi nakilalang lalaki, mabilis na tumakas makaraan ang insidente.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Bernardo Cayabyab ng Manila Police District Homicide Section, dakong 7:30 am, habang nakatayo ang dalawang biktima sa Building 21, Aroma Compound, Temporary Housing sa Tondo, biglang sumulpot ang mga suspek at sila ay pinagbabaril. ( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat ninaa Maribeth Arines, Jam Breboneria, at Ruth Liman )