Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Drug pusher pumalag sa parak, patay

PATAY ang isang hinihinalang drug pusher makaraan lumaban sa mga elemento ng Manila Police District-Police Station 2 sa anti- criminality operation kahapon ng u-maga sa Tondo, Maynila.

Kinilala ni SPO2 Joseph Kabigting, ng Manila Police District-Homicide Section, ang suspek na si Renato de Leon, 31, napatay sa loob ng kanyang barong-barong sa Pier 2, Gate 10, Parola Compound, Tondo.

Ayon sa ulat, nagsagawa ng anti-criminality o-peration ang Delpan Police Community Precinct sa pangunguna ni PO3 Ronald Alvarez, nang madaanan nila ang grupo ng kalala-kihan na  nagtra-transaksiyon ng droga.

Nagtakbuhan ang kalalakihan habang pumasok sa kanyang barong-barong si De Leon, kinuha ang kanyang .38 kalibre ng baril at nagpaputok sa humahabol na mga pulis.

Gumanti ng putok ang mga pulis na nagresulta sa pagkamatay ng suspek.

( LEOANARD BASILIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Laoang Northern Samar PNP

Sa Laoang, Northern Samar
P.1-M cash, alahas isinauli ng nakapulot na magsasaka

PINURI ng pulisya at netizens ang isang magsasaka nang isauli ang napulot na bag na …

Maria Catalina Cabral

DPWH Ex-Usec. Cabral patay sa Tuba, Benguet

HATAW News Team PATAY ang dating opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) …

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …