Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nagkakanlong kay Dayan binalaan ng NBI

NAGBABALA ang National Bureau of Investigation (NBI) sa mga nagkakanlong sa dating karelasyon at driver/bodyguard ni Senador Leila de Lima na si Ronnie Dayan.

Ayon kay NBI Spokesperson Ferdinand Lavin, si Dayan ay may kinakaharap na arrest order mula sa Kamara at sentro ng kontrobersiya na may kinalaman sa droga.

Kaya ang mga nagkakanlong sa kanya ay posibleng maharap sa problemang legal.

Kasabay nito, sinabi ni Lavin, tatlong tracker team ng NBI ang tumututok sa paghahanap kay Dayan.

Nakatulong aniya ang paglalabas ng reward money ng VACC dahil dumami ang mga nagbibi-gay sa kanila ng impormasyon, ngunit malaking hamon ang pagsala sa natatanggap na mga impormasyon.

Naniniwala si Lavin, nasa Filipinas pa si Dayan at nagpapalipat-lipat lamang ng lugar sa Luzon. Ngunit tumanggi siyang magbigay ng detalye dahil iniiwasan nilang masunog ang operasyon at masabotahe ang mga impormante na nakikipag-ugnayan sa kanila.

( LEONARD BASILIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …