Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Katorse niluray ng virtual friend

ARESTADO ang isang second year college student makaraan ireklamo ng panggagahasa ng 14-anyos dalagitang out-of-school youth (OSY) na nakilala sa social networking site Facebook, sa Taguig City.

Nahaharap sa kasong rape in relation to Republic Act 7610 o Anti-Child Abuse Law, ang suspek na si Jayson Camacho, 19, estudyante ng Taguig City University, at residente sa M.L. Quezon St., Purok 2, New Lower Bicutan, Taguig City.

Si Camacho ay inaresto makaraan dumulog sa tanggapan ng Women and Children’s Protection Unit ng Manila Police District (MPD)-Station 7 (Abad Santos) ang biktima, kasama ang kanyang kuya na isang hair stylist sa David’s Salon branch sa Quezon City.

Batay sa reklamo, nagkakilala ang biktima at ang suspek sa Facebook noong Setyembre 2016 at makaraan ang dalawang buwan pagpapalitan ng mga mensahe ay naging magnobyo.

Nagkasundo ang dalawa na magkita nitong 7 Nobyembre sa isang convenience store sa Blumentritt sa Sta. Cruz, Maynila ngunit dinala ng suspek ang biktima sa Almeda St., sa Tondo at minolestiya.

Muling nagkita ang dalawa dakong 7:00 pm noong 14 Nobyembre at nagtalik sa madilim na bahagi ng riles, malapit sa flatform ng PNR sa Solis St., Tondo.

Hindi pa nasiyahan, dinala ng suspek ang biktima sa kanilang bahay sa Taguig City at doon ay muling sinipingan.

Dakong 1:00 pm noong 15 Nobyembre, nagpasama ang biktima sa kanyang kapatid sa presinto upang magreklamo na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. (LEONARD BASILIO, may kasamang ulat nina Maribeth Arines, Jam Breboneria, at Ruth Liman)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Aspin Kobe Putol Dila

Naputol na dila ng aso resolbado na
‘Dog eat dog’ literal na naganap sa kaso ng Aspin na si Kobe

HINDI TAO kundi kapwa aso ang suspek sa pagkaputol ng dila ng Asong Pinoy (AsPin) …

Goitia PCG PH Army

Goitia: Ang Pag-atake sa Escoda Shoal ay Maaaring Ituring na Deklarasyon ng Digmaan

Sinasadyang Karahasan sa Kabuhayan ng Pilipino Ang pagkasugat ng tatlong mangingisdang Pilipino at pagkasira ng …

Brian Poe FPJ Grace Poe

Iba’t Ibang sektor nagkaisa sa paggunita kay FPJ
Suporta para sa legasiya ni FPJ at Grace Poe ipinahayag sa Ika-21 anibersaryo ng pagpanaw

LIBO-LIBONG mamamayan mula sa iba’t ibang sektor ang nagsama-sama upang gunitain ang ika-21 anibersaryo ng …

DOST Region 02 Upskills ST Pen Videography to Boost Scicomm

DOST Region 02 Upskills S&T Pen Videography to Boost Scicomm

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 strengthened its science communication initiatives as …

PTFOMS Recto

Recto: Human security must be central to national security

Executive Secretary Ralph G. Recto has underscored that human security must be central to the …