Saturday , November 16 2024

Bulag patay, 4 arestado sa buy-bust

PATAY ang isang lalaking bulag ang isang mata nang lumaban sa mga tauhan ng Manila Police District-Police Station 6, habang naaresto ang apat hinihinalang drug user sa Sta. Ana, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Binawian ng buhay habang dinadala sa Sta. Ana Hospital ang suspek na si Dian Ursua, alyas Bulag, residente sa Tejeron St., Sta. Ana, Maynila.

Habang iniimbestigahan  ang naarestong sina Salvacion Nuqui, 43; Zaldy Roy Dehilo, 45; Ronald Bongabong, 32; at Kathleen Cabagnoy, pawang ng Sta. Ana.

Ayon sa imbestigasyon ni SPO2 John Duran, dakong 12:05 am nakipagtransaksiyon ang pulisya sa bahay ni Ursua sa buy-bust operation ngunit nakahalata ang suspek kaya lumaban na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Habang naaresto sa nasabing operasyon ang apat pang mga suspek.

Samantala, napatay nang lumaban ang isa pang hinihinalang drug pusher na si Arnel Baloca, 52, sa buy-bust operation ng mga pulis dakong 10:35 pm sa kanyang bahay sa 742 H. Benita St., Gagalangin, Tondo.  ( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat nina Maribeth Arines, Jam Breboneria, at Ruth Liman )

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *