Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Budget itutuon sa infra – DBM

111716-diokno-dbm
Ipinaliwanag sa Kapihan sa Manila Bay Media Forum ni Department of Budget Management Sec. Benjamin Diokno na ang budget ng Administration Duterte ay itutuon sa mga imprastraktura upang maging kapakipakinabang ito sa sambayang pilipino. ( BONG SON )

SA proposed 3.35 trilyong budget na isinumite sa Kongreso, itutuon ng administrasyong Duterte sa programa ng pamahalaan tungo sa pagpapalawig ng public infrastructure projects na magiging kapakipakinabang sa sambayanan, ayon kay budget secretary Benjamin Estoista Diokno.

Ipinaliwanag ng Kalihim sa Kapihan sa Manila Bay media forum sa Café Adriatico sa Malate, Maynila, ang pagtalakay ng ilang pondo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa susunod na taon.

“The Duterte Administration is putting its money where its mouth is,” ani Diokno sa pagsumite ng panukalang 3.35 trilyong budget para sa 2017, na mas mataas nang 11.6 porsiyento kaysa iniwang budget ng naunang administrasyon ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Kalakip umano ng pagtaas ng national budget ay pagpapatupad ng sinasabing 24/7 project at close monitoring sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya para matiyak ang real time progress batay sa itinakdang panahon ng pagkompleto ng bawat isa.

“The Duterte administration also hopes to start the golden age of infrastructure in the country by increasing the infrastructure budget to 860.7 billion. This is 13.8% higher than the budget allocation for infrastructure for this year,” dagdag ni Diokno.

Binigyang-diin ng kalihim na umaasa silang mailalaan ang kabuuang 7 trilyon mula 2016 hanggang 2022 para sa impraestruktura.

“Itong 900 bilyon para sa 2017, down payment lang iyan sa 7 trilyon. Ang mangyayari n’yan, we will address all the needs of the people of the Philippines, hindi lang sa Metro Manila. We will identify such projects,” ani Diokno.

Inihayag ng kalihim na plano ng pamahalaang Duterte na magpagawa ng tatlo pang linya ng tren.

“I think there is a need for three more lines. ‘Di ba meron kang MRT, LRT, then you have MRT7. You need 3 more lines, we will address those,” diin ng Kalihim. Kabilang sa proposed train lines ang 600-kilometrong makabagong rail system ng Philippine National Railroad (PNR) na mag-uugnay sa hilaga sa kanlurang Luzon at gayon din ang isa pang planong railway system sa Mindanao.

“Sa Luzon, idurugtong mula sa Tutuban ang Laguna sa lungsod ng Calamba patungong Batangas City sa Batangas at Naga at Legaspi City sa Bicol hanggang Matnog sa Sorsogon,” ani Diokno.

Sa nasabing railway connection na north-to-south sa Luzon, aabot ang pondong gagamitin sa 250 bilyon.

( TRACY CABRERA )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Tracy Cabrera

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …