ARESTADO ang isang 55-anyos lalaking tattoo artist makaraan sakalin ang isang grade 1 pupil habang kumakanta ng “Tatlong Bibe” sa harap ng tindahan sa Sta. Mesa, Maynila kahapon.
Kasong physical injuries in relation to Republic Act 7610 (Anti-Child Abuse Law) ang isinampang kaso sa suspek na si Florante Contemplacion, naninirahan sa 23 Santol Street, Sta. Mesa Maynila, nakapiit ngayon sa himpilan ng MPD-PS 8.
Ayon kay Supt. Olivia Sagaysay, station commander ng MPD-PS 8, dakong 11:00 am nakatayo sa harap ng isang sari-sari store sa Anonas St., Old Sta. Mesa, ay kumakanta ng ‘Tatlong Bibe’ang biktimang si Nonong, nag-aaral sa Maceda Elementary School at residente sa Sta. Mesa, Maynila.
Sinasabing nairita ang suspek sa kanta ng biktima kaya nilapitan niya ang bata at sinakal.
Pagkaraan ay mabilis na nagsumbong ang biktima sa kanyang ina na agad kinompronta ang suspek. Nagtalo ang dalawa hanggang humantong sila sa barangay.
Hindi nagkasundo ang suspek at ang ina ng biktima sa barangay kaya ipinasya ng ginang na dumulog sa himpilan ng pulisya na nagresulta sa pagda-kip kay Contemplacion.
( Leonard Basilio, may kasamang ulat nila Maribeth Arines, Jam Breboneria, at Ruth Liman )