Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Buntis sugatan sa ligaw na bala

SUGATAN ang isang 35-anyos buntis makaraan tamaan ng ligaw na bala mula sa dalawang lala-king nag-aaway kamaka-lawa sa Tondo, Maynila.

Nilalapatan ng Lunas sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang si Alma Evora ng 2937 H. Pilar Street kanto ng Gagalangin, Tondo.

Habang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Eric Naval, alyas Eric Bunganga, residente ng Guido Uno Street kanto ng Gagalangin, Tondo.

Sa ulat kay Supt. Alex Daniel, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 7 (Abad Santos), naglalakad ang biktima sa riles ng PNR malapit sa Hermosa St., sa Tondo, nang madaanan niya ang na-kikipag-away na si Naval sa hindi nakilalang lalaki.

Tinangkang umiwas ng biktima at sa kabilang bahagi dumaan ngunit biglang bumunot ng baril ang suspek at binaril ang kanyang kaaway.

Sa kasamaang palad, ang buntis ang tinamaan na isinugod sa pagamutan.

(LEONARD BASILIO, may kasamang ulat nina Maribeth Arines, Jam Breboneria at Ruth Liman)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …