NAKOMPISKA ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation -National Capital Region (NBI-NCR) ang mahigit sa P2.4 milyong halaga nang pinekeng brand ng medyas nang salakayin ang isang mall sa Pasay City
Ayon sa NBI, ito ay kasunod ng reklamo ng Lee Bumgarmer Inc. (LBI) sa pamamagitan ng kanilang kliyente na Stance Inc., trademark holder ng Stance wordmark and logo, hiniling sa NBI ang imbestigasyon sa ilang indibidwal at establisyimento na ‘di awtorisadong mag-import, gumawa, magbenta at pagpakalat ng counterfeit Stance items.
Bunsod ng reklamo, at sa bisa ng search warrant na inilabas ni Judge Maria Victoria A. Soriano-Villadolid, RTC Branch 24, Manila, sinalakay ang Cartimar Shopping Center sa Pasay City .
Kasong paglabag sa Section 155 (Trademark Infringement) in relation to Section 170 ng R.A. 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines) ang isasampa laban kay John/Jane Does, owners/managers, occupants/lessees ng ilang tindahan sa nasabing shopping center.
( LEONARD BASILIO )