Sunday , December 22 2024

Laging kapos sa boundary, driver ng jeepney nagbitay

MADALAS na kapos sa boundary ang sinising dahilan kaya nagbigti ang isang 50-anyos jeepney driver sa abandonadong gusali ng MMDA sa Tondo, Maynila kahapon.

Kinilala ang biktimang si Danilo Baltazar, ng 1139 Vargas St., Tondo.

Sa imbestigasyon ni SPO3 Milbert Balinggan, ng Manila Police District-Homicide Section, dakong 6:39 am nang matagpuang nakabigti ang biktima sa fire exit ng abandondadong gusali ng MMDA sa Jose Abad Santos St. malapit sa Antipolo St., Tondo.

Sinabi ni Marites Cruz, dakong 6:00 pm kamakalawa nang huli niyang makitang buhay ang biktima nang kumain sa kanilang kantina. Balisa aniya ang biktima at kinakausap ang sarili.

Aniya, madalas hindi makapag-boundary ang biktima sa kanyang operator kaya palaging pinagsasabihan.

( LEONARD BASILIO )

About Leonard Basilio

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *