NAGPATUPAD nang balasahan ang Bureau of immigration sa hanay ng kanilang mga inspector na nakatalaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at sa iba pang mga paliparan at pantalan sa bansa.
Sa press statement ng kawanihan, ito ay para maiwasan ang katiwalian at mapaghusay ang propersyonalismo sa rank and file nilang mga kawani.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, 134 immigration officer at supervisor ang nakatalaga sa NAIA at mga international airport sa Mactan, Cebu; Kalibo, Clark at Davao.
Kasama sa balasahan ang mga BI personnel sa mga international seaport sa Zamboanga at ilang mga border crossing station sa Palawan at Mindanao.
Plano ng BI na gawin nang regular ang pagbalasa o “reassignment” ng kanilang mga tauhan.
( LEONARD BASILIO )