Inamin ng actress na ayaw niyang tumanda mag-isa. Gusto rin niyang magka-pamilya at magkaroon ng mga anak.
“Ang ideal lang sa akin, ayaw kong tumandang mag-isa. Magkaroon ako ng special someone, anak man ‘yun o lalaki o best friend, kahit na sino. Basta ayaw ko lang tumandang mag-isa,” sambit pa ng magaling na actress.
Ini-enjoy muna ni Angelica ang pagiging single sa ngayon. Hindi pa niya ma-imagine ang sarili na maging married woman. Hindi pa raw niya nakikita ang lalaking magiging patner niya in life.
“Wala pang nakakapagpaniwala sa akin na kaya kong i-surrender lahat at pagsisilbihan ko siya habambuhay,” aniya.
ANIK-ANIK – Eddie Littlefield