ANG tanong ng bayan ay kung pabor ba si Robin Padilla sa balikang nangyari kina Aljur Abrenica at sa anak nitong si Kylie Padilla? Happy ba siya sa desisyon ng anak?
Kung sabagay, harangan man ng sibat, wala talagang magagawa kung tunay na nagmamahalan sina Aljur at Kylie.
Pero dapat ay matuto na talaga si Aljur dahil pangalawa na o higit pa ang balikan blues na ito.
Patunayan din niya kay Robin na sincere siya talaga at hindi na sasaktan si Kylie. Nasa kanya na ang way na gumawa ng effort na pagkatiwalaan siya ulit ni Binoe.
Tandang-tanda namin ‘yung sinabi noon ni Kyle na hindi na niya ipinapakilala sa ama ang nagiging boyfriend niya. Tinandaan niya kasi ang sinabi ni Binoe na ang gusto nitong maka-close ay ‘yung siguradong mapapangasawa na ni Kylie.
Mapanindigan kaya ni Kylie ngayon ang kahilingan ng ama na ‘wag munang iharap ang nakakarelasyon niya hangga’t hindi pa siya sure na ito na ang mapapangasawa niya?
TALBOG – Roldan Castro