Saturday , November 16 2024

De Lima, Kerwin nag-usap sa Baguio (Sa affivadit ni Mayor Espinosa)

KINOMPIRMA ni Mayor Rolando Espinosa sa kanyang judicial affidavit, ang pagkikita at pag-uusap nina Senador Leila de Lima at ng kanyang anak na si Kerwin sa Lungsod ng Baguio noong Marso 2016.

Ayon kay Mayor Espinosa, personal niyang nasaksihan ang nasabing pag-uusap nina De Lima at Kerwin.

Tungkol aniya sa illegal drug trade ni Kerwin ang pinag-usapan ng dalawa.

Tugon ito ng alkalde nang siya ay tanungin ng pulis na kumuha ng affidavit ni Mayor Espinosa, kung paano niya nasabi na si De Lima ay isa sa mga protektor ng ilegal na drug activities ni Kerwin.

Sinabi pa ni Mayor Espinosa, kasama sa nasabing pag-uusap ang common law wife ni Kerwin na Hazel Mago.

At bilang patunay ng nasabing pagkikita, isinumite ng alkalde ang kopya ng litrato na magkasama sina Kerwin, De Lima at Hazel.

( LEONARD BASILIO )

SEGURIDAD KAY KERWIN
PANAWAGAN NI LACSON

BUKOD sa panawagang seguridad para kay Kerwin Espinosa, anak nang napaslang na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa Sr., iminungkahi ni Senador Panfilo “Ping” Lacson sa pamahalaan ang agarang pagkuha ng affidavit o sinumpaang salaysay sa hinihinalang drug lord lalo’t may banta sa kanyang buhay.

Ayon kay Lacson, dapat ay may taong karapat-dapat na kumuha ng affidavit at mayroong dalawang testigong magpapatunay sa gagawing sinumpaang salaysay ni Kerwin.

Ito ay upang ano man ang mangyari kay Kerwin ay mayroon nang mahalagang impormasyon ang pamahalaan na magagamit sa hukuman sa pagsasampa ng kaso laban sa mga sangkot sa ilegal na droga.

Naniniwala si Lacson na mayroong naganap na extra judicial killing (EJK) sa pagkamatay ni Mayor Espinosa.

Ayon kay Lacson, maraming nalalamang mahalagang impormasyon ang mag-ama kaya hindi imposibleng pagtangkaan ang kanilang buhay.

( NIÑO ACLAN )

21 PULIS IKINUSTODIYA

ISINAILALIM sa restrictive custody ang 21 police personnel na sangkot sa pagsisilbi ng warant of arrest na nagresulta sa pagkamatay ni Mayor Rolando Espinosa sa kanyang selda nitong madaling araw ng Sabado.

Ayon kay Deputy Chief for Administration (TDCA) Deputy Director General Francisco Uyami, ongoing na ang imbestigasyon sa ngayon ng Regional Internal Affairs Service ng Region 8.

10 PULIS KINASUHAN
SA ILLEGAL DRUGS

KINOMPIRMA ng PNP Internal Affairs Service (IAS) ang pagsampa ng kaso ni Albuera, Leyte PC/Insp. Jovie Espenido laban sa 10 pulis na isinasangkot niya sa ilegal na droga.

Ayon kay PNP-IAS Deputy Inspector General, Chief Supt. Angelo Leuterio, personal na nagtungo noong nakaraang buwan sa Kampo Crame si Espenido bitbit ang mga salaysay ng mga nakuha niyang testigo para idiin ang 10 pulis. Anim sa mga pulis ay pawang mga opisyal na taga Leyte at senior superintendent ang pinakamataas na ranggo habang pinakamababa ay police officer 1 (PO1).

About Leonard Basilio

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *