Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Grade 7 todas sa tractor

PATAY ang isang 15-anyos Grade 7 student makaraan mahulog mula sa likurang bahagi nang sinasakyang tractor at masagasaan ng kaliwang gulong sa hulihan kahapon ng ma-daling araw sa Gate 5 ng Parola Compound, Binondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Mark Coronel Munez, estudyante ng Harmony High School sa San Jose Del Monte Bulacan, at residente ng Blk. 37, Lot 8, Phase 1, Pabahay 2000, Muzon, SJDM, Bulacan.

Sa imbestigasyon ni SPO1 Richard Borbon, imbestigador ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTE), naganap ang insidente dakong 12:05 am sa eastbound ng MICP Access Road sa harap ng Gate 5, Parola Compound, Binondo.

Nasa kustodiya na ng MDTEU at ang suspek na si Sandy Painaga, 43, driver ng Isuzu Giga tractor (AAR 1617) at residente ng Purok 6, Sorsogon St., Payatas, Quezon City.

( LEONARD BASILIO )

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Leonard Basilio

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …