PINAGTIBAY ng Supreme Court ang suspension order ng Sandiganbayan kay Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito kaugnay sa kinahaharap ni-yang graft case dahil sa maanomalyang pagbili ng matataas na kalibre ng baril noong 2008.
Iginiit ng Supreme Court first division, walang nilabag ang Sandiganbayan fifth division sa pagpataw ng 90 araw suspensiyon sa senador noong Agosto. Bukod kay Ejercito, dawit sa ipinalabas na re-solusyon ng korte ang co-accused niyang sina Ra-nulfo Dacalos at Romualdo Delos Santos.
Kaugnay nito, hindi agad maipatutupad ang suspensiyon sa Senado dahil hihintayin pa ni Senate President Aquilino Pimentel III ang “developments” ng ebidensiya na inihain sa Sandiganba-yan. Nag-ugat ang kaso ng technical malversation sa senador kabilang ang 14 iba pa, dahil sa paggamit ng calamity funds noong 2008 para sa pulis noong siya pa ang alkalde ng lungsod ng San Juan.
( LEONARD BASILIO )