Friday , November 15 2024

20% ng barangays ayaw tumulong sa pulisya (Sa ‘war on drugs’ ni Duterte)

SA kabila ng masasabing tagumpay ng kampanya laban sa kriminalidad at ilegal na droga, may ilan pang barangay sa national capital region (NCR) ang hindi pa lubusang nakikipagtulungan sa pulisya para matupad ang hangarin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na linisin ang buong bansa sa lahat ng uri ng bisyo at ilegal na aktibidad.

Ito ang napag-alaman kay NCRPO director Chief Superintendent Oscar Albayalde sa Kapihan sa Manila Bay media forum sa Café Adriatico sa Malate, Maynila, sa pagtalakay sa ‘giyera kontra droga’ na inilunsad ng punong ehekutibo simula nang manungkulan nitong Hulyo.

Ayon kay Albayalde, may 15 hanggang 20 porsiyento ng kabuuang bilang ng barangay sa kapuluan ang hindi pa lubusang sumusuporta o bantulot na makipagtulungan sa pulisya sa iba’t ibang kadahilanan.

“Karamihan sa mga nasabing barangay ay involved ang kanilang kamag-anak o sila mismo sa illegal drugs trade kaya hindi lubusang makipag-ugnayan sa amin,” paliwanag ng hepe ng NCRPO.

Sumang-ayon dito si Manila Police District (MPD) director Senior Supt. Joel Coronel na nagsabing 26 sa 896 barangay sa lungsod ng Maynila ang hindi pa nakapagsusumite ng kanilang drug watchlist at gayon din ang membership ng kanilang local anti-drug council.

“Kung nais nating maging matagumpay ang ating kampanya laban sa droga, kailangan natin ang kooperasyon at tulong ng mga komunidad, partikular ang mga opisyal ng barangay, dahil malimit ay sila ang nakakikilala kung sino-sino sa kanilang lugar ang involved sa droga at iba pang krimen,” punto ni Coronel. “Mahalaga ang bahagi ng komunidad sa kampanya ng pamahalaan laban sa drug trafficking at criminality,” dagdag niya.

Kapwa umapela sina Albayalde at Coronel sa barangay officials na isantabi na ang kanilang personal na interes at sa halip ay makipagtulungan sa mga awtoridad para tuluyan nang malinis ang ating lipunan sa lahat ng uri ng bisyo.

ni Tracy Cabrera

About Tracy Cabrera

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *