KINOMPIRMA ng isang malapit kay Jake Cuenca na nalasing umano ang actor pero hindi totoong tutol siya sa pagkapanalo ni Jericho Rosales ng icon award sa Star Magic Ball.
Nagkataon lang na nagmumura si Jake habang nag-i-speech si Echo. Katunayan, nag-sorry na raw si Jake kay Jericho.
Ang inaaway daw ni Jake noong oras na ‘yun ay ang kanyang handler. Pinaaalis na kasi sa venue ang actor dahil nakainom na.
Inawat na rin daw ito nina Gerald Anderson pero ang katwiran daw ni Jake, pinapunta siya roon ng handler niya para mag-enjoy tapos pinaaalis na.
Nag-iiba rin pala ang mundo ni Jake ‘pag nalalasing, huh!
TALBOG – Roldan Castro